PWEDE BA YUMAMAN SA BITCOIN? | 3 BEST WAYS TO EARN | BY CHINKEE TAN

YUMAMAN SA BITCOIN | PAANO MAG-INVEST DITO?

Pwede ka bang yumaman sa bitcoin kung mag i-invest ka dito? Kung gusto mong malaman ang sagot sa katanungan na ito panuorin niyo ang video na ito.

Maaari Ka Bang Maging isang Milyunaryo Sa Cryptocurrency?

Ang mga presyo ng Cryptocurrency ay umabot sa bago nitong pagtaas sa nagdaang ilang linggo, at maraming mga investors ang sumabay sa pagtaas na ito.

Ang pag-i-invest sa crypto ay maaaring may potensyal na maging profitable – lalo na kung nag-invest ka sa tamang oras. Kung namuhunan ka ng $ 1,000 sa Bitcoin (CRYPTO: BTC) isang dekada na ang nakalilipas, halimbawa, magkakaroon ka ng higit sa $ 15 milyon ngayon – sa pag-aakalang hawak mo ang iyong mga investments at hindi nagbebenta sa panahong iyon.

Habang posible na maging isang milyonaryo sa cryptocurrency, hindi nangangahulugang lahat ng mga investors ay makakamit ang goal na iyon. Kaya’t gaano kalaki ang chance na yumaman ka sa crypto?

Pag-unawa sa risk versus reward

Madaling mapaniwala sa napakalaking kita sa crypto. Ang Bitcoin ay umakyat sa 372% sa nakaraang taon. Ang kakumpitensya nito na Ethereum ay mas mataas sa 1,500% sa parehong tagal ng panahon, at ang Dogecoin ay umakyat ng higit sa 19,000%.

Base lamang sa mga numerong iyon, parang mahirap na hindi yumaman sa cryptocurrency. Ngunit mahalagang tandaan na ang mga nakaraang kinita ay hindi kinakailangang katumbas ng mga kita sa hinaharap, at ang crypto ay isa pa ring masasabing high-risk investment.

Ang mga presyo ng Crypto ay maaaring magpatuloy na tumaas, ngunit maaari silang madaling bumulusok. Sa katunayan, ang presyo ng Bitcoin ay bumaba na ng higit sa 26% sa nakaraang buwan, na nagpapatunay na ang cryptocurrency ay talagang pabagu-bago.

Bahagi ng dahilan kung bakit nakakaranas ang crypto ng labis na paggalaw ay dahil sa ito’y isang napakalaking speculative investment. Walang nakakaalam kung ano ang hinaharap para sa cryptocurrency. Kung ito man ay naging isang “runaway succes” o isang napakalaking kawalan ay isa pa ring palaisipan. Kung magtagumpay ito, maaari kang kumita ng malaki sa pamamagitan ng pag-i-invest ngayon. Ngunit kung ito ay nag-crash at nasunog, maaaring mawala sayo ang lahat.

Dapat ka bang mag-invest sa cryptocurrency?

Mahirap balewalain ang matunog na kitaan sa crypto. Ito ay isang bagong bagay na maaring makapagpa-bago sa mundo, at kung magpapatuloy ang mga presyo sa upward trjectory, maaari kang makakuha ng hindi birong halaga ng pera.

Gayunpaman, isipin ang iyong risk tolerance bago ka mag-invest. Kung ikaw ay risk-averse investor, ang pagbili ng crypto ay maaaring hindi magpa-tulog sayo sa mga panahon ng kanyang paggalaw.

Ang Bitcoin ay regular na bumababa ng hindi bababa sa 20%, at nalugi ito hanggang sa 80% ng kanyang nagdaang value. Kung nagsisimula kang mag-alala tungkol sa iyong investment na bumulusok ng 80%, maaaring hindi ang crypto ay hindi para sayo.

Gayundin, tiyaking nasa maayos na kalagayan ang iyong sitwasyong pampinansyal bago mo pa isaalang-alang ang pag-i-invest sa crypto. Mag-invest lamang ng pera na kaya mong mawala, at i-double check na mayroon kang isang solidong pondo para sa emergency na may hindi bababa sa tatlo hanggang anim na buwan na ipon. Ito ay upang hindi mo na kailangang ibenta ang iyong mga investment sa crypto kung nahaharap ka sa isang hindi inaasahang gastusin.

Panghuli, tiyaking mayroon kang isang malakas, diversified portfolio. Dahil napaka-risky nang cryptocurrency, kakailanganin mo ng isang “soid core portfolio” na maaari kang gamitin kung ang iyong mga investment sa crypto ay hindi naging maganda ang kinalabasan.

Ang Cryptocurrency ay maaaring maging isang profitable investment, ngunit ito rin ay isa sa mga riskiest na investment ngayon. Sa pamamagitan ng pagtimbang ng mga risk and rewards, mas madaling magpasya kung ang cryptocurrency ang tamang investment para sa iyo.

#Bitcoin #Cryptocurrency #ChinkeeTan #PambansangWealthCoach #SanaAllMayInvestmentPart2 #PambansangWealthCoachngPilipinas #Helpingtobecomedebtfree #wealthy #BawatPilipinoayIponaryo #Iponaryo #ChinkPositive #ChinkeeTan #YUMAMAN SA BITCOIN

Register Here for Upcoming Webinar: https://bit.ly/3fT4dBa

YUMAMAN SA BITCOIN

YUMAMAN SA BITCOIN

 

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *